Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiyuhin ginahasa pamangkin, timbog

0 403

Dinakip ng awtoridad ang isang 44-anyos na lalaki makaraang gahasain umano nito ang sariling pamangking babae sa loob ng kanilang tinitirhan sa Barangay Panghulo, Obando, Bulacan kamakalawa.

Sa report ng pulisya, nakilala ang naarestong si Ricky Mendoza, residente ng nasabing barangay at nakadetine ngayon matapos nitong gahasain ang pamangkin na itinago sa pangalang Neneng, 17-anyos, at residente rin ng nasabing lugar.

SM food to go Banner Ad

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na naiwan ang biktima at suspek sa kanilang tinitirhan. Dito na pinasok sa loob ng kanyang kuwarto ang dalagita saka ginahasa ng manyakis na tiyuhin.

Nang malaman ng ina ni Neneng ang ginawa sa kanyang anak ay kaagad siyang humingi ng tulong sa awtoridad kaya nadakip ang suspek na ngayon ay nakakulong na at nahaharap sa kasong kriminal. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.