Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiyuhin tigok sa hambalos ng pamangkin

0 72

Patay ang 53-anyos na lalaki makaraang hambalusin sa mukha ng isang matigas na bagay ng kanyang pamangkin sa gitna ng mainitang pagtatalo sa loob ng bahay ng biktima sa Quezon City kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Luisito Billotica Dael, may asawa at nakatira sa Barangay Tandang Sora, Quezon City.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Mark Angelo Dael, nasa hustong gulang at naninirahan sa nasabi ring barangay.

Ayon sa naantalang report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, bandang alas-11:00 ng umaga noong Mayo 20, Biyernes, nang mangyari ang krimen sa tahanan ng biktima.

Base sa imbestigasyon ni Corporal Christian Loyola, nagpunta sa bahay ng tiyuhin ang suspek pero sa hindi pa malamang kadahilanan ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo.

Hanggang sa kumuha ng matigas na bagay ang pamangkin at hinambalos sa mukha ang tiyuhin dahilan upang humampas ang ulo nito sa lamesang gawa sa semento. Sumuka pa umano ng dugo ang biktima at sinamantala naman ito ng suspek para tumakas.

Isinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center subalit nasawi rin ito bandang alas-8:36 ng gabi.

Inaalaam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring krimen habang patuloy pang tinutugis ang suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.