Abante Tonite Interactive

TNT Boys winner sa ‘YFSF’

730

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Ang diva that you love, hindi na nagtaka na ang Tawag ng Tanghalan Boys, sina Mackie ­Empuerto, Kiefer Sanchez­ at Francis Concepcion ang tinanghal na grand winners sa Your Face Sounds Familiar Season 2.

Ang mga batang ito ginalingan ang ­pagiging Jessie J, Nicky Minaj at Ariana. Palibhasa hindi pa of puberty age at may chance na hindi pa tuli ang tatlong ba­gets kaya wala pang pagbabago sa kanilang boses, abot na abot pa nila ang Bang Bang high notes, huh!

Hindi lang mahuhusay ang tatlong bata, mayaman na mayaman na agad sila. Ma­liban sa bragging rights, may bahay at lupa na sila at isang milyong piso.

Pambihirang pagkakataon, ‘di ba naman­ na sa first season, sa pagwawakas nito, ang nag-viktoria, si Awra Briguela na may chance na maging Vice Ganda heiress­ apparent. Full blown ma­ricon rin si Briguela.

Ang second season, nagwakas sa tagumpay nina Mackie, Kiefer at Francis.

JC-Bela PPP hari at reyna ng takilya

Ngayong may isang araw pa ang Pista ng Pelikulang­ Pi­lipino, ang mga manonood kaya, makumbinsi na panoorin ang tatlong pelikulang may karangalang banggit?

Si Christian Bables na bida ng Signal Rock, may Special Jury for Outstanding Acting at ang pelikula, isa pang kara­ngalang banggit ang inuwi, ang Critics’ Choice.

May katotohanan nga kaya na ang pelikula ni direk Chito Roño, kahit pa nga universal ang praise, eh ang pinaka-laging behind sa box-office race?

Kung totoo nga ito, si Bables ba ay isang box-office bomb o poison?

Ang Bakwit Boys at The Day After Va­lentine’s, ang directed by ay si Jason Paul Laxamana, ang karangalang banggit, Audience Choice Awards.

Ang tambalang Bela Padilla ba at JC Santos ang two-year-in-a-row na PPP hari at reyna sa takilya?

Ang mga bida sa Bakwit, lalo na sina Vance Larena at Devon Seron, puwede na ba natin silang tawagin na mga a star is born?

Ang kataka-taka, much loved and he­ralded rin Ang Babaeng Allergic Sa Wifi, may kaibigan pa nga akong may pana­nalig na ito ang millennial Cyrano de Bergarac, bakit kaya wala man lang itong citation?

Ang isang positibong gain sa PPP, may mga bagong artistang kaabang-abang na puwedeng yakapin at mahalin, tulad nina Rylie Santiago, Mackie Empuerto, Markus Petersen at iba pa.
Ang susunod na back to back festival ay mangyayari sa Oktubre ay ang Cinema One Originals at QCinema.

Sa Setyembre naman, ang TOFARM Film Festival na ayon sa balita, mas marami ang sinehan at may provincial screening rin.

Ano naman kaya ang pasabog ng MMFF 2018? Ang four finished films na kanilang pipiliin, matapatan o kaya ba nitong kabugin ang mga best film sa mga naunang festival?(Alwin Ignacio)