Abante Tonite Interactive

TNT consultant Dickel binanatan ng mga netizen

MAEPAL!

By
552

Naibulalas ng mga netizen ang inis sa maepal na consultant na si Mark Robert Dickel ng New Zealand habang pagkaawa sa iba at sa ilan katawa-tawa si coach Ferdinand ‘Bong’ Ravena II sa pagrenda sa TNT KaTropa sa kampanya sa kasagsagang Philippine Basketball Association Governors Cup eliminations.

Kanya-kanyang banat sa social media ang mga netizen sa nasasaksihan sa playing venue at sa TV na pakikialam ng dayuhan kay Ravena sa coaching job sa Texters sa mga game, sinasapawan ng una ang huli, na kinukunsinti naman ng pamunuan ng ballclub.

“Kaya minamalas ang TNT dahil sa ginagawa ni @iamMVP!!! TNT is circumventing the rule again by appoin­ting a de facto coach moonlighting as a team consultant… Kawawang Bong Ravena, coach on paper lang pero sunud-sunuran sa consultant!!!” tirada ni SlicksterSlick@CalvinLucena.

Abante Hiring – IT dep

Ginawa na rin ng TNT ang masagwang diskarte noong 2002 sa pagtapik din sa mga Amerikanong sina Paul Woolpert at Bill Bayno pero pumalpak. Hindi makapag-upo ng foreign coach ang bawat basketball team sa bansa, base sa Basketball Coaches Association of the Philippines.

Kung tutuusin 2 ang banyaga sa bench ng Texters, kasama si Tab Baldwin na kadugo ni Dickel.

“So TNT has Bong Ravena as the “head coach”, Mark Dickel­ draw the plays as coachsultant, and Tab Baldwin is behind their bench, grabe grabe!” hinagpis naman ni Julian?@free_julian.

Pumasada pa si dyzfunk@dyzfunk, “So si Bong Ravena na pala ang bagong dummy coach lol. Dummy as in front lang. Wag kami, TNT. Hello Mark Di­ckel”.