Abante Tonite Interactive

TNT import Jones gumawa ng record

403

Nagliyab si Terrence Jones sa middle quarters at sinagasaan ng TNT ang Blackwater 115-97 Linggo nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa record-setting performance ni Jones, kinontak ng KaTropa ang se-venth straight win at ninth sa 10 games para makasiguro sa top two seeding na twice-to-beat sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Kahit matalo sa huling laro sa eliminations kontra Magnolia Pambansang Manok sa susunod na Miyerkoles, ‘di na mababaklas sa top 2 ang TNT dahil ang 8-2 NorthPort na lang ang puwedeng makaungos sa kanila. Tinalo ng Batang Pier ang KaTropa 110-86 nitong May 29.

Maraming ‘firsts’ ang iginuhit ng da-ting Houston Rocket.

Ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, unang TNT import si Jones na naglsita ng tatlong triple-doubles sa isang conference pagkatapos ni Silas Mills noong 1998 Governors Cup habang kilala pang Mobiline ang team.

Unang import din si Jones pagkatapos ni Elijah Milsap ng Petron na San Miguel na noong 2013 Governors na may tatlong triple-doubles sa isang conference, at una na may triple-double sa back-to-back games pagkatapos ni Justin Brownlee ng Ginebra sa parehong torneo noong isang taon.

Ipinagkibit-balikat lang ni Jones ang individual record niya. (Vladi Eduarte)