Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TNT sa Batangas magba’-bubble’

0 171

Kung pagbibigyan ng IATF ang request ng TNT na magkaroon ng ‘bubble’ para mag-ensayo, may target venue na ang KaTropa.

Ayon sa isang team insider nitong Biyernes, balak ng PBA team ang Splendido Hotel sa Batangas.

“Doon kumpleto. May gym, may weights room, may basketball court,” pahayag ng source. “It would be a controlled environment, walang p’wedeng pumasok na iba. Lahat ng health and safety protocols susundin.”

Plano ng TNT na ilagay ang KaTropa sa bubble, tulad ng ginawa ng NBA sa Disney World sa Orlando, para makapag-ensayo.

Walang makunan ng kumpirmasyon na TNT team officials, pero sinabi ng source na ito na ang plano ilang buwan pagkatapos kanselahin ang Philippine Cup noong March 11 dahil sa coronavirus.

“Na-pu-put aside lang dahil nagbaba ng quarantine levels nu’ng June,” paliwanag ng insider. “Pero nu’ng mag-MECQ sa Metro Manila ulit, nasa team priorities na ulit siya.” (Vladi Eduarte)

Sakaling makapag-workout ang players tulad ng unang plano, magiging masikip na ang timeline hanggang sa target date na ituloy ang PBA sa late-September o mid-October. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.