Abante Tonite Interactive

TNT tuon sa 2x-to-beat; Alaska hahabol sa Last 8

204

Nakatutok sa isa sa dalawang insentibong twice-to-beat sa Last Eight ang TNT KaTropa mamaya sa pagsagupa sa mapanganib na Alaska Milk sa 44th PBA 2019 Philippine Cup eliminations sa Cuneta Astrodome, Pasay.

Hangad ng fourth-running Texters (5-3) na makisalo sa ikatlong puwesto sa alas-4:30 ng hapong duwelo sa kasalo sa ikaanim na Aces (3-4), kasunod ng alas-7 ng gabing pagtutuos ng nasa segundong Rain or Shine (7-3) at Meralco (3-5).

Asam din ng Texters na minamanduhan nina coach Bong Ravena at assistant coach Mark Dickle ang ikaapat na panalo sa pagnanais na sumampa sa ikatlong puwesto para lumapit sa Top 2 finish sa yugtong ito na may win-once bonus sa quarterfinals.

Pinakahuling biktima ng Texters para sa ikatlong ragasa ang Blackwater, 127-89, na nagpalapit sa defending champion San Miguel Beer (6-3), karibal sa pabuya.

Matinding pagsubok ang nakaamba sa TNT kontra Aces na nasa magkasunod na kabiguan kaya pilit aahon sa kalalasap lang 91-70 dagok kontra NLEX.

“We had nine assists, we’re bad on defense. Couldn’t have much more to say than that,” ani Aces coach Alexander Compton sa pagtambak ng Road Warriors.

“You got selfish when you have nine assists and you don’t move around on defense. I would have liked to put our best out there. But we didn’t deserve any inch of that thing,” panapos niya.