Abante Tonite Interactive

TNVS strike tuloy sa Lunes

0 206

Umapela si Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin B. Delgra III sa Transportation Network Vehicle Service (TNVS) operators at drivers na huwag nang ituloy ang plano nilang maglunsad ng nationwide transport holiday sa Lunes, Hul­yo 8.

Ang pahayag ay ginawa ni Delgra kasunod ng banta ng TNVS o­perators na mag-o-off­line sila mula alas-sais nang umaga hanggang alas- sais nang gabi sa Lunes.

Ayon kay Delgra mas mabuting na dalhin ang kanilang lehitimong reklamo sa LTFRB.

Mas mabuti aniyang makipagdayalogo ang TNVS operators sa Board para matugunan ang kanilang hinaing sa halip na maperwisyo pa ang riding public.
Ganito rin ang apela ng Grab sa kanilang TNVS partners.

Kaugnay nito,walang balak ang mga TNVS driver na lumambot sa panawagan ni Delgra kasunod na rin ng mas pinaigting na operasyon laban sa mga TNVS driver.

Kahapon, maraming TNVS car ang ini-impound matapos paghuhulihin ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa bahagi ng Edsa, Roxas Boulevard at Centris sa Quezon City.

Sa Facebook post ng Buhay Grab Driver, nanawagan ang mga ito sa kapwa TNVS driver na huwag lalambot kay Delgra.

Sa halip, iginiit ng mga TNVS driver sa LTFRB ,na alisin na ang mga hindi kailangan na requirement sa pagkuha ng prangkisa, alisin ang bank conformity at proof of garage.

Legal ang TNVS
Dapat din umanong bigyan ng pagkakataon ang mga sasakyan hatchback dahil ang angkas ay binigyan ng pagkakataon.

Inangalan rin nila ang dobleng insurance cove­rage dahil mayroon ng comprehensive insu­rance ay mayroon pang PAMI.

Iginiit rin ng mga TNVS driver na pagaangin ang kanilang gastos dahil malaki din ang kanilang operating cost. (Juliet de Loza-Cudia)