Abante Tonite
Mabilis sa Balita

TODA president sa QC tinumba

0 240

Pinagbabaril ng ‘riding-in-tandem’ hanggang sa mapatay ang presidente ng Payatas Tricycle Operator and Drivers Association (PATODA) habang nagmamaneho ng tricycle sa Quezon City, Linggo ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Rogelio Macapanas, 51, may asawa, tricycle driver, presidente ng PATODA, at residente ng Barangay Payatas, Quezon City. Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong mga bala sa katawan.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ika-6:30 ng hapon (April 25), nang maganap ang pananambang sa Honasan St., Barangay Payatas A.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ni PCpl Angel T Pascasio III, ihahatid umano ng biktima ang dalawa nitong pasahero nang pagsapit sa kalye Honasan ay biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang nakamaskarang lalaki at agad pinagbabaril ang biktima. Isa sa pasahero ng biktima ay tinamaan ng bala.

Nang makitang duguang bumulagta si Macapanas ay agad nang tumakas ang mga suspek.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may kinalaman bilang pangulo ng PATODA ang pananambang sa biktima. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.