Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Todas sa coronavirus lampas 27K na

0 79

Mahigit 27,000 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa bansa, base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Sabado.

Nasa 27,131 na ngayon ang bilang ng mga namatay sa coronavirus matapos makapagtala ang DOH ng 241 katao na karagdagang namatay nitong Hulyo 24.

Nadagdagan din ang mga kaso ng COVID ng 6,216 kaya umabot na ngayon sa

SM SuperKidsDay Banner Ad

1,543,281 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa buong bansa.

Ang mga nakarekober naman ay umabot na sa 1,461,749 matapos gumaling ang 6,778.

Ang mga aktibong kaso ay 54,401. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.