Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Todas sa COVID bumaba ng 40

0 103

Nakapagtala ng 564 bagong kaso ng COVID-19 habang 40 ang iniulat na nasawi dahil sa naturang virus, base sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) alas-kuwatro ng hapon kahapon.

Ayon sa COVID-19 Case Bulletin No. 628 ng DOH, umabot na sa 2,833,473 ang kabuuang kaso ng tinamaan ng virus sa bansa dahil sa nadagdag na 564.

Mula sa kabuuang bilang, 0.5% na lamang o 15,188 ang aktibong kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Habang may 694 pasyente naman ang gumaling na sa karamdaman kaya nasa 2,769,533 na ang kabuuang nakarekober sa coronavirus infection o 97.7% ng kabuuang kaso sa bansa.

Nakapagtala naman ang DOH ng 40 pasyente na namatay sa sakit kung kaya’t nasa 48,752 na lahat ang nasawi sa bansa sanhi ng COVID. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.