Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Todo na Mommy Divine: Sarah priority si Matteo

0 1,757

Priority ngayon ni Sarah Geronimo ang kanyang mister na si Matteo Guidicelli.

“Siyempre po may asawa na po tayo so priority po natin ‘yung asawa natin and of course siyempre hindi lang po ‘yung health also ‘yung giving importance health ng mga tao sa paligid ko, importante po kasi ‘yun,” aniya.

Ibinahagi rin ni Popstar kung ano ang kanyang realizations sa pandemic na nangyayari ngayon.

“Everyday you acknowledge na lalong lalo na sa nangyayari ngayon na tomorrow is not promised. Pinapasalamatan mo nang husto ‘yung buhay na binigay sa’yo ng Panginoon and also for the life of your loved ones,” she said.

At dahil marami ngang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic, ani Sarah ay ipinagpapasalamat na lang niya ang mga opportunities na dumadating ngayon sa kanya.

“Aminin po natin na sa pandemic na meron tayo ngayon sa na-experience ng buong mundo, marami pong nawawalan ng trabaho so mas lalo ko pa pong pinapahalagahan ‘yung opportunities na binibigay po sa akin dahil hindi po lahat nabibigyan niyan,” pahayag ni Popstar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.