Abante Tonite Interactive

Todo paalala ng Spirit Guide

0 666

Mga ka-Misteryo lahat tayo ay nangangamba sa bagsik ng Coronavirus disease dahil dumarami pa ang nagkakasakit nito sa Pilipinas at malayo pa sa katotohanan na makontrol ito. Maging ang mga spirit guide at mga nilalang sa kabilang dimensyon ay gumagawa rin ng hakbang para maalalayan ang tao.

Yan ang ating paksa ngayon, “Basta May Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Hindi na bago kay Mario ng Bulacan na marinig ang boses ng kanyang spirit guide sa tuwing meron siyang kailangang desisyunan.

Pero dahil sa panganib ng Coronavirus ay halos maya’t maya ay naririnig niya ang boses ng kanyang spirit guide.

Ipinagtapat ni Mario sa #misteryo ang kanyang karanasan para makatulong sa ibang psychic na marahil may kaparehong karanasan.

Misteryo: “Paano mo naririnig yung boses ng spirit guide mo? Naririnig mo ba sa tenga o baka naman telepathy na parang naririnig mo sa pamamagitan ng iyong isip?”
Mario: “Sa tenga, malinaw ko siyang naririnig. Mula nang makilala ko ang spirit guide sa tenga ko mismo naririnig pag gusto niyang magsalita.”

Misteryo: “Paano mo nga pala nakilala ang spirit guide mo? Nakita mo na ba siya? May pangalan ba siya? Naging tao ba siya noon o di man kaya ay namayapa mo siyang kaanak na binabantayan ka?”
Mario: “Una ko siyang nakita sa panaginip ko. Doon siya nagpakilala sa akin. Akala ko nga hindi Totoo yun pero isang araw bigla ko na lang siyang narinig na nagtuturo kung ano ang gagawin ko. Dati ko raw siyang ina sa mga nauna kong buhay o past lives at pinili niyang bantayan ako sa lifetime na ito.”

Misteryo: “Doon sa sinabi mong kinausap ka niya ngayon dahil sa Coronavirus, pwede ba naming malaman kung ano yun?”

Mario: “Patulog na sana ako nang bigla niya ako kalampagin at pinakuha ang kalendaryo para daw markahan ko yung mga araw na tumama sa Pilipinas ang covid-19, kung kailan nagdeklara ng quarantine sa Metro Manila na nauwi sa Enhanced Community Quarantine sa Luzon at deklarasyon ng State of Calamity. Maging mga araw na may naitalang tinamaan mga tinamaan. Tapos lagi paalala sa akin magsuot ng face mask at maghugas kamay. Para lang katabi ko siya kapag nagpapaalala sa akin.”

Para sa inyong mga kuwentong karansan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph