Abante Tonite Interactive

Tokayo ni Bistek dedbol sa drug ops

119

Nasawi ang umano’y drug pusher na kapangalan ni Quezon City Ma­yor Herbert ‘Bistek’ Bautista nang manlaban sa drug operation ng Manila Police District (MPD), kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Nakilala ang suspek sa alyas na ‘Aso’, 31, may asawa, walang hanapbuhay, ng Area B, Gate 48, Parola Compound, Binondo, Maynila, dahil sa ti­namong mga tama ng bala sa katawan.

Nabatid na si Bautista ay kasama sa drug watch list ng Meisic Police Station (Station 11) ng Manila Police District (MPD).

Sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan ng MPD – homicide section, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa tahanan ng suspek.

Nakatanggap ng tip ang mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ng San Nicolas Police Community Precinct (PCP), sa pangu­nguna ni Police Chief Inspector Leandro Gutierrez, hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa lugar at naaktuhan ang suspek na nakikipag-transaksiyon sa isang kliyente.

Lalapitan na ng mga pulis ang suspek nang mapansin ang presensya ng awtoridad kaya kumuha ng baril at nagpaputok.

Dito na gumanti ng putok ang mga awtoridad na nagresulta sa agaran nitong kamatayan, habang nakatakas ang umano’y katransaksiyon nito.