Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tokyo Olympics nakabitin pa rin

0 220

ITINAKDA muli ng host Japan ang isang taong paghahanda para sa Tokyo 2020 Olympics kahit na muling nababalot ng maraming pangamba na tuluyang makansela ang nausog na multi-sports na torneo dahil sa patuloy na paglawak at pagtaas ng kumpirmadong kaso sa bansa ng nakamamatay na sakit na coronavirus.

Isa lamang ang pagpapailaw sa Tokyo Metropolitan Government Office building ng mga Olympic symbol at kulay para sa muling paghihintay sa isang taon bago ang pagbubukas ng na-postpone na Tokyo 2020 Olympics sa Tokyo, Japan sa mga iisinagawang aktibidad para ipakita ang pagnanais na tuluyang maisagawa ang torneo.

Ito ay kahit naitala sa mismong capital ng host na bansa ang record 366 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ipinakita ng Tokyo 2020 Organizing Committee ang isang video sa Olympic Stadium upang ipaalala ang isang taon na muling paghahanda hanggang sa aktuwal na pagsasagawa ng Opening Ceremony.

Ang video ay naglalaman ng mga mensahe ng suporta para sa lahat ng mga atleta na naghahangad na makalahok sa Olympics. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.