Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tol kay Digong: Mga kaibigan ‘wag depensahan sa Pharmally scandal

0 92

Pinayuhan ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino si Pangulong Rodrigo Duterte na maghinay-hinay sa pagtatanggol sa kanyang mga ‘kaibigan’ na nakaladkad sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa biniling medical supplies ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Subalit agad namang nilinaw ng kaalyadong senador ng pangulo na ang pagdepensa ni Duterte sa kanyang mga tao ay hindi dapat ikonsidera bilang “tolerance of corruption.”

“If given a chance to advise I would probably tell him that he already made his point just let the investigation proceed and he can probably refrain from defending persons he could probable term as friends,” wika ni Tolentino sa panayam sa ANC.

SM food to go Banner Ad

“But his defense should not be considered as a tolerance of corruption. His defense here should not be considered an unyielding or a stubborn response to an investigation but a measure of what friendship is,” dagdag nito.

Ilang beses nang ipinagtanggol ni Pangulong Duterte ang kaibigang Davao businessman na si dating economic adviser Michael Yang sa pagkakasangkot nito sa pagsungkit ng Pharmally ng bilyong pisong kontrata sa gobyerno. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.