Abante Tonite Interactive

Toledo, 3 jins may gold sa Asiad test

By
3,047

Apat na gold medal ang inangkin ng delegasyon ng Pilipinas matapos ang tatlong araw na mga aksiyon sa ginaganap na 18th Asian Games 2018 Test Events sa Jakarta, Indonesia.

Trangko sa pananalasa ng mga Pinoy si Aries Toledo sa athletics kasama ng mga taekwondo jin na sina Keno Anthony Mendoza, Keybert Lee Lumbania at 2016 Rio de Janeiro 0lympian Kirstie Elaine Alora.

Nangibabaw si Toledo sa men’s decathlon habang nagtagumpay si Mendoza sa men -63 kilograms; si Lumbania sa men +80 kgs. at si Alora ay sa women +67kg.

Abante Hiring – IT dep

Lumikom si 23-year-old Novo Ecijano Toledo ng  6, 659 points, abante ng 246 kay Raja Karuna Wala ng Sri Lanka na nagkasya sa silver medal.

Nasiyahan si coach Sean Guevarra dahil sa nahigitan ng kanyang bata ang target na 6,500 markers.

Silver medal winner naman sina Rheza Aragon sa women -53kg at Darlene Mae Arpon sa women -67kg. sa nasabing Korean martial sport din sa walong araw na okasyong nagbukas noong Pebrero 11 at matatapos sa Peb. 18.

Ang mga nagwagi naman ng bronze ay sina Alvin Campos sa men’s class E-65kg to 70kg at Glenn Gunan sa men’s Class F : 70kg-75kg nsa pencak silat.

Bronze pa rin sa taekwondo sa men-58 kg si Jenar Torillos; Lorenz Chavez sa men -68 kg.; Christian Al dela Cruz sa men -80 kg., Baby Jessica Canabal sa women -49 kg. at si Rhezie Aragon sa women -57 kg. (Lito Oredo)