Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Toledo mayor, mister na-virus

0 202

Nagpositibo sa sakit na coronavirus si Toledo City Mayor Marjorie Perales at ang kanyang asawa na si Councilor Amiboy Perales.

Gayunman, tiniyak ng nauna na stable na ang kanilang lagay.

“I just received a call from Dr. Clyde Bequilla that me and my husband Councilor Amiboy Perales have tested positive for COVID. Despite being extra careful and with religious observance of health protocols, we got infected,” banggit ng alkalde sa Facebook.

Si Perales na ang ika-13 alkalde sa Cebu na nahawa sa COVID-19.

Kinuwento niyang sumama ang pakiramdam niya matapos mananghalian noong Lunes kaya sumailalim ang mag-asawa sa swab test at natanggap ang resulta noong Biyernes.

Sinabihan naman ng alkalde ang mga nakasalamuha nila sa nakalipas na 10 araw na mag-quarantine. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.