Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino, Choco binasag Perlas

0 118

Umiskor ng tigsiyam na puntos sina Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino at Pauline Marie Manique ‘Ponggay’ Gaston nang Choco Mucho upang iwasias ang Perlas Spikers 25-23, 25-20, 25-20, sa Premier Volleyball League 2021 Open Conference elims sa PCV Socio-Civic & Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Sa pangatlong pananalasa sa gayung daming salang, solo segunda pa rin ang Flying Titans sa likod ng lider na Creamline (4-0), at binalya ang Perlas sa 0-2 sa 10-team women’s pro indoor volleyfest na inorganisa ng Sports Vision Management Group Inc.

“Siguro nagkakaroon na ng timing ang middle namin at saka sa setter. But of course, hindi pwedeng tumigil kailangan tuloy-tuloy,” sey ni coach Oliver Almadro. “Lahat ng teams din gumagaling, lahat nagkakaroon ng cohesiveness so we really have to maximize also ang familiarity namin, kinakailangan e.”

Kinapos naman ang 11 markers sa Perlas ni Cherry Nunag at ang tigwalong puntos nina Heather Guino-o at Suzanne Roces para sa kanilang unang laro sa torneo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.