Abante Tonite Interactive

Tolentino, CM sa Creamline: Mata lang ang walang latay

203

STANDINGS
TEAMS W L
Creamline 11 0
PetroGazz 8 2
Motolite 7 5
BanKo 7 5
PT-Army 6 5
Choco Mucho 6 6
PH Air Force 5 6
Balipure 3 10
Chef’s C. 0 14

Mga laro ngayon: (Iloilo City)
4:00 pm – Pacific Town vs PetroGazz
6:00 pm – Choco Mucho vs Creamline

‘Yan ang sigaw ni Katrina Mae Tolentino at ng Choco Mucho sa gigil na pagresbak sa first round tormentor Creamline sa 6pm encounter mamaya sa 3rd PVL Open Conference 2019 2nd round elims sa Iloilo City.

Pagagandahin ni Tolentino at mga tsokaran na nasa ikaanim na puwesto ang 6-6 kartada at pahabain pa ang ragasa sa lima panalo kasabay na ibawi sa league-leading at defending champion Creamline (11-0 marka) ang 4-set loss nitong Agosto 31.

Bukod kay Tolentino, sasandalan din ni Flying Titans coach Oliver Almadro si Shiela Marie Pineda.

“Basta we are aiming on what’s above no matter what ma-reach namin sila or ‘di basta ma-reach naming yung level nila, it’s better for us. Kung malampasan namin, we’ll thank the Lord,” ani Almadro.

Paghihimagsik din ang nasa kukote ng 5th-running Pacific Town Army (6-5) sa nangwalis sa kanila nitong Agosto 28 na nasa segundang PetroGazz (8-2). (Aivan Episcope)