Abante Tonite Interactive

Tolentino, Ginebra OK sa 1 year deal

511

Pumirma ng isang taong kontrata ang FEU star na si Arvin Tolentino sa crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel.

Ang nasabing pirmahan ay kinumpirma mismo kahapon ng kanyang ahente na si Charlie Dy.

Si Tolentino ay 10th pick sa unang round ng Gin Kings noong 2019 Philippine Basketball Association regular draft.

Pa-pro league, naglaro siya sa Maharlika Pilipinas Basketball League at sa PBA Developmental League.

Mula rin siya FEU Tama­raws at sa Ateneo Blue Eagles sa Univeristy Athletic Association of the Philippines seniors. Parte rin ang 6-foot-5 shooter ng San Beda National Collegiate Athletic Association juniors.

Inaasahang malaking tulong ito sa Ginebra dahil maaasahan si Arvin sa opensiba at sa husay nito sa 3-point shooting. Puwede rin siya sa gitna .

Nag-average siya ng 12.8 point at 5.0 rebound sa Tams sa kanyang huling taon at may tinirang 29 treys sa loob ng 13 laro para sa Morayta-based squad. (Aivan Episcope)