Abante Tonite Interactive

Tolentino hindi inudyukan ng Malacañang sa e-power sa trapik

0 220

Itinanggi ng Malacañang na pinakiusapan nila si Senador Francis Tolentino para muling buha­yin ang mungkahing bigyan ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na boluntaryo ang ginawang paghahain ng panukalang batas ni Tolentino para bigyan ng emergency power ang Pangulo sa layuning malutas ang malalang problema sa traffic sa EDSA.

Matagal na aniyang naririnig ni Panelo kay Tolentino ang pagnanais na mabigyan ng emergency power ang Presidente, kahit noong miyembro pa ito ng gabinete.

“Matagal ko nang naririnig sa kanya iyan eh, nu’ng member of the cabinet pa siya. Sinasabi niya na, kailangan meron talagang ganoon,” ani Pane­lo.

Matatandaang sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte noong 2016 ay hiniling nito sa Kongreso sa mabigyan siya ng emergency power para malutas ang problema ng traffic sa EDSA subalit kinontra ito ni Senador Grace Poe dahil sa pangambang baka maibulsa lang ang pondong ilalaan dito. (Aileen Taliping)