Abante Tonite Interactive

Tolentino host ng Women Sports Summit sa Tagaytay

127

Pagkakaabalahan ng Philippine Olympic ­Committee (POC) ang dalawang pulong na ­tatalakay sa kakabaihan sa sports sa Le Bella ­Boutique Hotel, Tagaytay City sa Nobyembre 27-28.

Mga pangunahing lider sa National ­Olympic Committee (NOC) ng 11 bansang buhat sa ­Timog-Silangang Asya ang pa-Cavite upang ­lumahok sa talakayan.

Unang ilalarga ang Southeast Asian NOC Women in Sport Summit kung saan sasalubungin ang mga delegado nina Tagaytay Mayor Agnes Toletino, Cavite 7th District Representative at POC president Abraham Tolentino.

Tatapos sa okasyon ang pagtalakay ng mga babaeng atleta sa idaraos din sa bansa na 30th SEA Games 2019 sa Nobyembre 30-Disyembre 11. (Aivan Episcope)