Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino idiskuwalipika!

0 124

Krusyal ang Philippine Olympic Committee (POC) Electoral Committee virtual hearing sa Huwebes ng alas-4:00 nang hapon upang resolbahin ang disqualification complaints kontra sa limang kandidato ng POC election sa Nobyembre 27.

Nakatuon ang POC Elecom Clarificatory hearing na mabigyan ang lahat ng partidong nasasangkot sa oportunidad na maipaliwanag ang kanilang panig pantay at posisyon ukol sa protesta ng mayorya na namang grupo sa POC.

Ang mga pinadidiskuwalipika ay sina cycling president Abraham Tolentino, na naghahangad ng reelection bilang POC prexy, triathlon chief Tomas Carrasco Jr. na kandatong chairman, gymnastics head Cynthia Carrion sa pagka-treasurer at mga tumatakbong director na sina sailing president Dr. Raul Canlas at judo president David Carter.

Ang disqualification complaints ay dahil sa paglabag sa POC, International Olympic Committee (IOC) Charter, eligibility o status sa good standing ng kanilang mga national sports associations (NSAs). (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.