Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Bambol ihihiwalay POC sa PSC

0 215

Plano ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa kanyang panunungkulan na mapagawaan ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon para hindi nagmimistulang squatter o informal settler lang sa pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) sa PhilSports Complex sa Pasig.

Ito ang siniwalat ng opisyal sa unang edisyon ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong 2021 kung saan itinakda rin niya rin ito na isa sa agenda sa unang POC Board Meeting sa January 12.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ngayon lang namin napagtanto ang bagay na ito, at pangunahin namin itong pag-uusapan sa board meeting, na ang POC pala ay walang permanenteng opisina sapul noong 1911 pa. Mabigat man itong sabihin, pero parang informal settler. Nakikitira lang ang POC sa facilities ng PSC. Hindi din naman sa PSC ang kinatitirikang lugar (kasalo DepEd),” ani Tolentino.

Hatid ang talakayan ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO® Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) katuwang ang Smart at Upstream Media bilang official webcast partner. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.