Abante Tonite Interactive

Tolentino, Juico sabong sa pagkapangulo ng POC

218

Pagtitibayin ng mga miyembrong national sports association (NSA) ang mga napagkasunduan para sa pagsasaayos ng direksiyon sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) at ang pagtatakda sa nagnanais na maging pangulo.

Ito ang inaasahang magaganap simula alas-11:00 ng umaga ngayon sa Manila Golf Club sa Makati kung saan muling maghaharap-harap ang kabuuang 42 NSA, dalawang kinatawan ng Athletes Commission at Philippine representative sa International Olympic Committee para ratipikahan at itakda ang magiging proseso sa eleksyon sa Hulyo 28.

Inaasahan ang pagkakaroon ng ikatlong pangulo ng POC sa loob lang ng isang Olympic year tapos itakda ang mga susundin na proseso sa unang pulong na inaprubahan ng mayorya ng POC Executive Board nitong Hulyo 8.
Nagpahayag ng pagkandidato ang nagbitiw na POC chairman na si Abraham “Bambol” Tolentino para sa pagkapangulo na binakante ni Victorico Vargas.

Abante Hiring – IT dep

Makakalaban nito ang presidente ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na si Philip Ella Juico.

Maaalalang sinunod sa special executive board meeting ng POC sa opisina nito sa Pasig City ang atas ng IOC at Olympic Council of Asia base sa ipinadalang sulat nitong Hulyo 2.

Inaprubahan sa pulong ang isang resolusyon na nakasaad ang tatlong punto na ninanais maisagawa base sa direktiba ng IOC at OCA na ipinadala kay POC 2nd Vice President at acting president Jose Romasanta.

Ang mga naaprubahang resolution ay ang pagdaraos sa Hulyo 18 ng isang extra ordinary meeting at pagbalangkas sa isang election committee na malamang buuin nina dating Comelec Commissioner Rene Sarmiento, Fr. Vic Calvo ng Letran at isang ire­rekomenda ng Dispute and Resolutions Committee. (Lito Oredo)