Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino kinalampag DFA sa PH passport

0 91

Nagpahayag ng pagkabahala si Senador Francis Tolentino kaugnay ng mababang ranggo ng Philippine passport sa 2021 Henley Passport Index.

Base sa 2021 Henley Passport Index, pang-82 ang passport ng bansa sa `most powerful’ sa buong mundo kung saan tabla ito sa Cape Verde Island at Dominican Republic. Naglalabas ang Henley kada taon ng ranking ng mga bansa batay sa bilang ng mga destinasyon na maaaring mapuntahan ng mga passport holder nito na hindi na kailangan pa kumuha ng visa.

“The passport is the badge of citizenship and you should be proud of that. Ngayon, kung downgraded ang passport natin, medyo downgraded ang pagtanggap sa atin ng host country,” sabi ni Tolentino sa pagdinig ng Senate committee on foreign relations.

SM food to go Banner Ad

Iminungkahi ni Tolentino sa DFA na hingin ang tulong ng Philippine Postal Service pagdating sa passport application.

Sinabi naman ng DFA sa pamamagitan ni Office of Consular Affairs Executive Director Maria Alnee Gamble, na kanilang ikokonsidera ang suhestiyon ni Tolentino. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.