Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino lalagare para sa Auburn

0 38

Maglalaro para sa US NCAA Division I school, Auburn University si Filipino-Hawaiian cager at Gilas prospect Sage Tolentino, ayon sa kanyang anunsyo nitong Huwebes.

Ibinahagi ng 7-foot high school standout ang balita sa Instagram na aanib siya sa Auburn Tigers sa ilalim ni coach Bruce Pearl.

“My family and I have prayed about this day since I was a kid. I am beyond blessed and I give God all the Glory,” caption ni Tolentino.

Dinagdag ng 16-year-old big man, “Auburn University’s core traditions are passion and spirit and they are exactly the program I want to spend my time at developing at the next level. It’s great to be an Auburn Tiger. War Eagle!”

Ilan sa mga kilalang dating lumaro para sa Auburn ay sina NBA legend Charles Barkley at former Rookie of the Year Chuck Person.

Pinamunuan ni Tolentino ang Maryknoll Spartans sa back-to-back state title sa Hawaii.

Bukod pa sa Auburn, nakatanggap din ang tinedyer ng offer sa University of Kansas, Tennessee State University at University of Kentucky.

Inaasahang aaksyon para sa Tigers si Tolentino sa taong 2021. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.