Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino may pasabog

0 61

Usapang Summer Olympics at SEA Games ang pambungad na paksa sa 2021 ng PSA Forum webcast edition ngayong araw, Martes.

Si Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino ang buena-mano at nag-iisang guest sa unang weekly forum ng taon ng Philippine Sportswriters Association.

Tampok sa mga papasadahan ni Tolentino ang kampanya ng bansa sa Tokyo Olympics na naka-schedule sa July, at ang title retention bid ng Pilipinas sa Southeast Asian Games bago matapos ang taon sa Vietnam.

Related Posts

Tatalakayin din ni Tolentino, kinatawan sa 8th District ng Cavite sa Kongreso, ang estado ng Philippine cycling, kamakailan lang ay na-re-elect siya bilang president ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Magsisimula ng 10 am ang session na mga hatid ng San Miguel Beer, Go For Gold, Milo, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant at PAGCOR.

Kasama ng Smart at Upstream Media bilang official webcast partner, naka-livestream ang public sports program sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 Facebook page. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.