Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino may pasabog

0 109

Makikipag-one-on-one si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Tolentino sa webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes ng alas-10:00 nang umaga.

Isisiwalat ng Cavite 8th District Rep. at pangulo rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling) ang plano niya sa paghahangad ng sariwang termino sa halalan sa POC sa November 27 sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media.

Ang session ay livestreamed via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.