Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino papaeleksiyon

0 51

Pangangasiwaan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang kahilingan ng International Volleyball Federation (FIVB) sa pagsasagawa ng eleksiyon para sa national governing volleyball body sa bansa sa huling linggo ng Enero.

Nabatid Martes kay POC President Rep. Abraham Tolentino, na ang POC ang magsasagawa sa proseso ng eleksyon na nakatakda sa ikatlo o ika-apat na linggo ngayong buwan.

Sumulat si FIVB director general Fabio Azevedo kay Tolentino sa ikalawang pagkakataon noong December 7 upang igiit ang halalan. Unang liham ng pederasyon noong August. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.