Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino patok sa US NCAA Div 1

0 342

Makaraan ni Kai Zachary Sotto, isa na namang Pinoy cager ang matunog ngayon para US NCAA Division I basketball.

Sa ulat ni Jack Pilgrim ng Kentucky Sports Radio, interesado ang University of Kentucky kay 7-foot-1 baller Sage Tolentino.

Ibinahagi ni Pilgrim na “daily” umano ang pakikipag-usap ni Kentucky associate coach Kenny Payne sa Filipino-Hawaiian prospect.

Bukod sa Kentucky, interesado rin ang Auburn University sa serbisyo ng 16-year-old cager.

Binida ni Tolentino ang Maryknoll High School Spartans sa back-to-back State championship sa average na 13.5 points, 8.3 rebounds at 3.5 blocks. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.