Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tolentino, POC lusot sa mga unos

0 64

Ilang matinding unos ang dumaan sa Philippine Olympic Committee (POC) bago tuluyang naupo para sa buong apat na taong termino bilang pangulo si Abraham Tolentino, ang president rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling).

Unang naharap si Tolentino sa matinding pagsubok sa pagkandidatong pangulo para sa natitirang panahon sa termino sa pagsalo sa posisyon na iniwan ng dating pangulo na si Victorico Vargas.

SM food to go Banner Ad

Hindi pa nagtatagal, naharap siyang muli sa kritisismo kaugnsa pagsasagawa sa isyu ng pera ng 30th Southeast Asian Games PH 2019 dahil sa iniulat na pagtanggap ng suweldo na labag sa POC law.

Ang pagkakaloob ng mga bisikleta sa maraming mga atleta sa panahon ng pandemya ang nagpanalo sa kanya sa presidency laban kay World Archery Philippines (WAP) president Jesus Clint Aranas, 30-27. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.