Abante Tonite Interactive

Tolentino sa mga Kapampangan: ‘Wag kayong maniwala kay Roxas

By
276

Nanawagan si administration se­natorial candidate at dating Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Francis Tolentino sa mga botante sa Pampanga na huwag magpapalinlang sa kalabang senatorial bet na si Mar Roxas.

Sa kanyang talumpati sa Lubao, Pampanga, binigyan-diin ni Tolentino na hindi dapat maniwala ang mga Kapampangan sa mga sinasabi ni Ro­xas na kailangan ngayon ng bansa ang isang ekonomistang katulad niya.

“Huwag po kayong maniwala dun sa nagsasabing isa lang ang kaila­ngan ng bayan para umunlad,” sabi ni Tolentino.
“Maybe he really has this messianic complex. Or maybe he is such a narcissist… I don’t know what’s pla­ying in his mind when he said na siya lang ang kailangan,” ayon pa kay Tolentino.

Kinontra ni Tolentino ang sinabi ni Roxas ang kaila­ngan aniya ay ang pagtutulungan ng lahat ng mga Pilipino para maresolba ang mga problema ng bansa.

“Hindi lang po ekonomista ang kailangan ng bayan. Kelangan po tayo lahat, mula sa manikurista, sapatista, magsasaka, manggagawa, sales ladies sa mga mall, crew sa mga fastfood, mga professionals, lahat po tayo kailangang magtulong-tulong para sa ikauunlad ng bayan,” ani Tolentino.