Abante Tonite Interactive

Tolentino tutok sa 159 ginto sa SEAG

177

Umaasa si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham ‘Bambol’ Tolentino na magagawa ng bawat national sports association (NSA) na tuparin ang kanilang pahayag na medal projection sa isinagawa na executive board meeting ng asosasyon Biyernes sa Conrad Hotel sa Pasay.

Ito ay matapos pag-usapan ng POC Board ang kabuuang bilang sa pinagsama-samang gold medal projection ng mga bumubuo sa Team Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.

Nagbigay ng kanilang gold medal forecast ang kabuuang 37 mula sa dumalong 45 NSA sa ipinatawag na Chef de Mission coordination meeting kung saan ay kabuuang 264 gintong medalya na hiwalay pa ang anim na posibleng ginto mula sa electronic sports o eSports ang inaasahang madodomina ng Pilipinas.

Ikinatuwa ni Tolentino ang positibong ­pagpapahayag ng mga iuuwing gintong medalya ng NSA bagaman inaasahan nito na ang Pilipinas ang realistikong ­makakapagwagi ng kabuuang 159 sa nalalapit na 30th SEA Games na halos kalahati sa inihayag na medal projection ng mga NSA sa Team Pilipinas CDM meeting. (Lito Oredo)