Abante Tonite
Mabilis sa Balita

`Tolongges’ sa city hall sinampolan

0 175

Inalarma ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga gumagawa ng transaksyon sa City Hall na huwag magpaloko sa mga tolongges na ‘fixers’ na naglipana sa Manila City Hall.

Kasabay nito pinasalamatan ni Moreno ang mga netizens at mga nabiktima na naglakas-loob na magsumbong sa kanya para maaresto ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsagawa ng entrapment operation ang special mayor’s reaction team (SMART) sa pangunguna ni Maj. Jhun Ibay na ikinaaresto ni Richard Nervaez, 30, na nambibiktina ng mga business permit applicants sa pamamagitan ng pagpapakilala bilang empleyado ng bureau of permits at nanghihingi ng malaking bayad.

“One tolongges down sa kalagitnaan ng pandemya. ‘Wag na kayo papatolongges sa fixer,” ani Moreno na humikayat din sa mga biktima na pormal na magsampa ng kaso. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.