Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom balik-IG sa pagtugtog ng piano

0 58

Matapos ang ilang buwang pamamahinga sa social media, kahapon ay nagbigay ng update si Tom Rodriguez sa kanyang mga followers sa Instagram.

Nag-post ang aktor kahapon sa kanyang Instagram page ng short video kung saan ay makikitang tumutugtog siya ng piano.

Bagama’t kamay lang ang makikita sa video ay sinabi naman niya sa caption na siya ang tumutugtog.

“Music has got to be one of the best and free ways I’ve found to self soothe. Not much of a piano player, but it was fun trying to find my own way to play this John Mayer song,” ang caption ni Tom.

Natuwa naman ang mga followers ng aktor sa pagbabalik niya sa IG at obvious na na-miss nila ito. Pebrero pa kasi ang huling post ni Tom.

“Thank you so much Tom ❤️ we get to see you once again and playing music at that . You never fail to amaze and surprise us . The melody is the whistle intro and you did it in piano . More creativity please,” komento ng isang netizen.

“Thank you so much tom hindi mo lng alam kung gaano mo kami pinasaya ito na ang aming hinihintay sau you are back in God’s time and this is the time we love you so much god bless you sana huwag mo na kaming iiwanan,” pahayag naman ng isa pa niyang follower.

“Thanks a lot idol we are so happy hearing you playing the piano again sa wakas sana tuloy tuloy na yan God bless you always we miss and love you,” sey naman ng isa pa niyang tagahanga.

“I am glad you are back. Welcome back Tom,” comment ng isa pang netizen.

Matatandaang lumipad si Tom patungong USA nitong nakaraang Marso matapos ang hiwalayan nila ni Carla. Since then ay wala nang nabalitaan pa sa aktor until last June kung saan ay nagpadala siya ng official statement at ipinaaalam na divorced na sila.

Sa kasalukuyan ay nasa US pa rin si Tom kasama ang pamilya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.