Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom, Billy James sanib-puwersa sa AMP

0 65

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi nag-iingay si Tom Rodriguez sa kanyang mga kawanggawa. Hindi niya ipinamamalita ang ginagawang kabutihan.

Sey ng friend niyang si Billy James Renacia, tunay na matulungin si Tom. Kaya ‘wag nang magulat kung sasabak si Tom sa politika dahil gusto niyang lumawak ang kanyang pagtulong.

Last Thursday sina Tom at Billy na nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy (CoC) para maging representative ng partylist na AMP o Anak Maharlikang Pilipino . Ito ang magsusulong ng karapatan ng mga construction worker.

Lahad ni Billy, si Tom ang first nominee ng AMP at siya naman ang 2nd nominee nito.

Si Billy James ay ang aktor na napanood dati sa Ang Probinsyano bilang love interest ni Judy Ann Santos.

Hirit pa ni BJ sobrang qualified si Tom na maging representative dahil bukod sa matalino ito, malapit ang puso ng aktor sa masa . Hindi rin siya maramot para ayudahan ang mahihirap sa abot ng makakaya niya.

SM food to go Banner Ad

2010 pa ay magkaibigan na sina Tom at Billy.

“Wala pa si Tom sa showbiz noong naging magkaibigan kami. Kaya noong nabiyayaan kami, nagkaroon ng maayos na buhay, ang tumulong sa mga nangangailangan ang inatupag namin,” deklara ni Billy James.

“Napakabuting tao ni Tom at wala siyang ginawa kundi ang tumulong sa kapwa. Calling niya ang ganito. Mula noon, wala kaming ginawa kundi ang tumulong, magbigay ng ayuda sa mga frontliner. Kahit wala kaming partido, nagpupunta kami sa mga barangay para tumulong. Kanya-kanya kaming bigay ng pera. Mula sa bulsa namin ang itinutulong namin.

“Naisipan naming pumasok sa ganito, para mas marami kaming matulungan,” hirit pa niya.

Sambit pa ni Billy James na, “the partylist will encourage productive collaborations with DOLE, POEA, and OWWA and to the Global Pinoy Contruction Experts. The partylist will also support the government in building sustainable communities and a strong institution for a brighter future for the Filipino people.”

Ilan sa mga celebrities na sumuporta sa AMP o Anak Maharlikang Pilipino ay sina Martin Escudero, April ‘Congrats’ Gustilo, Dennis Padilla, Arnell Ignacio atbp.

Leave A Reply

Your email address will not be published.