Abante Tonite Interactive

Tom binara, tinawag na plastik

1,200

NI: RONA RONDA

Tinawag na plastik ng isang netizen ang aktor na si Tom Rodriguez. Ito ay dahil sa tula na inialay nila kasama sina Dingdong Dantes , Sunshine Dizon , Lovi Poe para sa mga frontliners. Ito’y ang “Ngingitian Kita” na sinulat ni Yan Yuzon .

May isang netizen pa ang pumuna sa pag-deliver nila ng linya at sinabing i-memorize muna nila ito.

Tugon naman ni Tom, “Truly a sad affair when in this time of crisis when people are just trying to call for unity and appreciation of pur heroes, eh. yan pa talaga ang mapupuna mo. God bless you. I hope you truly find something productive to do during this ecq than dole out criticism that holds no constructive value.”

Ang matindi pa rito ay nang magkomento ang netizen na may username na @lovejourney45. Sinabi nito na plastik ang aktor.

Pagbabalik naman ni tom, “I hope kahit papaano eh nakatulong ka din sa munting paraan na kaya mo. God bless you and your family in this time of crisis.”

Marami naman ang dismayado sa inaasal ng mga basher. Komento ng ibang netizen,

“Ganyan na ba karamihan ng Pilipino ngayon? My gahd, ang lalim ng pait na yan ah. Sakit na yan, mas malala sa covid.”

“Ang dami pa ring bashers grabe. Hoy tumahimik n kayo nagkkagulo n tayo sa covit 19 puro bitterness at bad attitude pa rin kayo.”

“Nakita ko yung ibang mga comment na ang sasama talaga. Pero kung makita mo mga account, diyoskupo! Puro tadtad ng mga selfie lang at mga Bible quotes. Malamang nagtitiktok lang ang mga yan pero mga artista ang hinahanapan ng aksyon kesa sa gobyerno.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad