Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom, Carla walang aasahang balikan

0 98

NI:CRISTY S. FERMIN

Tinabunan ng kontrobersiya nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang lahat ng hiwalayan sa showbiz. Maraming ipinanganganak na kuwento, maraming rebelasyon, nakawiwindang ang kanilang mga pasabog.

Nagkakaisa ang marami sa pagsasabing ito ang hiwalayang hindi na maaasahan pang magkakabalikan dahil wasak na wasak na ang tulay sa kanilang pagitan.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “Kung anger management ang issue, kapani-paniwala ang sinabi ni Carla.

Kailangan talaga ‘yon ni Tom dahil maigsi ang pasensiya niya. Madali siyang magalit, nag-iinit agad ang ulo niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Witness du’n ang mga nakasama niya sa PBB, madaling mag-init ang ulo niya. Pero hindi siya nananakit ng kahit sino, pader ang pinagdidiskitahan niya! Sinasaktan niya ang sarili niya!

“Nu’ng umaarte na siya, kapag hindi niya name-memorize ang mga lines niya, nilulukot niya ang script, itinatapon niya! Wala siyang focus!” kuwento ng aming kausap.

Kung ganu’n nga ang sitwasyon ay marami pa ring naguguluhan, bakit nakayang tiisin ni Carla ang pitong taon, at pumayag pang magpakasal ang aktres kay Tom?

Komento naman ng isang source, “Quits lang sila ni Carla. Sumpungin din ang girl, may sariling mundo.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.