Abante Tonite Interactive

Tom Cruise bida pa rin sa ‘Top Gun’ remake

353

Mahigit tatlong dekada mula nang ipalabas ang pelikulang “Top Gun” (1986). Kamangha-mangha na si Hollywood star Tom Cruise pa rin ang gaganap dito.

Trending ang ipinasilip na official trailer ng “Top Gun: Maverick” na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon.

Ididirek ito ni Joseph Kosins­ki (“Tron: Legacy”).

“Thirty-four years ago I made a movie in San Diego,” ani Cruise.

“Thirty-four years and you’ve been very patient with me and I felt it was my responsibility to finally really deliver for you,” aniya pa.

Sa naturang movie ay hitik ang action stunts, na keri pa ring gawin ni Tom. (Jun Lopez)