Abante Tonite Interactive

Tom game magpaboso ng kargada

By
0 2,457

MARIING itinanggi ni Tom Rodriguez na tumayo ang kanyang ‘junjun’ sa mga eksena nila ng dalawa niyang leading ladies sa pelikulang na sina Erich Gonzales at Lovi Poe.

Very sexy at daring ang pelikula, kaya may pumping scene sina Lovi at Tom.

Dahil nga ayaw ni Direk Lamangan ng fake, nagkaroon ng speculations na tinotoo ni Tom ang pumping niya kay Lovi. Posible ring tumigas ang kanyang footlong.

Sey ni Tom, inayos niya ang eksenang ‘yun. Hindi na raw siya nakaisip na magpantasya sa alindog ni Lovi dahil maraming tao ang nakakakita.

Naga-alala rin si Tom na baka mabastos niya si Lovi kaya ginawa na lang niya ang eksena base sa kanyang karakter.

Anyway, sayang at hindi ni-require ni Direk Joel Lamangan si Tom na mag-frontal nudity sa The Significant Other. Payag naman daw ang Kapuso actor na magpakita ng kanyang kargada sa pelikula kung kinakailangan.

Well, hindi naman siguro kailangang mag-frontal ni Tom sa movie na ito lalo’t hindi naman indie ang project ang ginawa niya.

Ayon pa kay Tom hindi na bago sa kanya na makitaan ng kanyang sandata dahil ilang beses na rin siyang nabosohan ng mga stylist sa pagmo-modelo niya noon.

Hindi raw kasi maiwasang hindi siya makitaan lalo na sa mga modeling projects dahil may mga pagkakataong hindi nila kinakailangan pang mag-inarte.

Ang malaking concern lang ni Tom ay kung makakaya raw ba ng nanay niyang mapanood ang eksena niyang nakaluwa ang kanyang batuta.

Bukod dito, iniisip din niya ang kasintahang si Carla Abellana kung ano ang magiging pakiramdam nito ‘pag ginawa niya ang naturang maselang eksena.

***

HINDI rin diretsahang inamin ni Tom kung totoo bang mala-kabayo ang kanyang sandata na siyang naiwang impression ng mga taong nanood ng Bench Under The Stars.

Tinalbugan kasi niya kahit ang mga foreign models.

Sey na lang ni Tom, wala siyang magagawa kung ano ang ibinigay sa kanya ng Diyos. Hindi naman daw niya puwedeng sabihin sa doktor na retokehin ang natural resources niya.

Anyway, hindi mabibigo ang mga moviegoers ng isang all-out love triangle drama na may pagka-sexy dahil hitik sa mga ganitong elemento ang pelikula na prodyus ng CineKo Productions.

Ynez at Jackie Lou, sisilaban ang mga barako sa V-Day

PASIKLABAN sina Jackie Lou Blanco at Ynez Veneracion sa paseksihan. Swak sila sa Valentine’s Day dahil puwede nilang silaban ang mga natutulog na damdamin ng mga barako. Katakam-takam pa rin sila.

Sa larawan ni Jackie Lou in a two-piece bikini sa kanyang IG Account ay grabe ang pumuri sa kanya.

Pati ang pamangkin niyang si Janine Gu­tierrez ay nagsabing “So Fit!!! idol.” Comment naman ni Sherilyn Reyes Tan ay “Grabe Ka Ate!!! Sexy.”
Nasa Boracay naman si Ynez sa posting niya ng ilang mga photos niya suot ang floral two piece bikini.
@ynez_veneracion888. “Standing by the clear blue sea. It’s a sun burning…I mean tanning. Thank God for the sun.”
In fairness, napaka­seksi ni Ynez sa kanyang figure na hindi naman kataka-taka dahil masipag mag-work out ang character actress.
Isa lang ang anak ni Ynez kaya mas madali para sa aktres ang magpaganda ng katawan.
Pagpapantasyahan pa rin si Ynez lalo’t malaki ang boobs niya, maliit ang waistline at malapad ang balakang niya.
Maging si Sylvia Sanchez ay pinuri ang waistline ng aktres.
@sylviasan-chez_a, “Ang babaeng 19 ang bewang.”

Lovi nakikipag-live in sa boyfriend

PINABULAANAN ni Lovi Loe ang usap-usapang nagli-live in na sila ng kasintahan niyang American event specialist na si Chris Johnson.

Base kasi sa mga naunang I­nstagram photos ni Lovi, makikita si Chris sa loob ng bahay ng Kapuso actress. Nakapambahay lang ito habang nanonood ng sports game o kaya ay magkasama lang sila sa sala.

Ayon kay Lovi, imposible na magsama sila ni Chris dahil magkaiba ang place of work nilang dalawa.

Ang trabaho ni Chris ay sa Makati, samantalang ang sa kanya ay sa QC. Sey pa ng aktres, long distance nga raw ang relasyon nila sa traffic mula QC at Makati.

Hindi raw puwedeng lumipat si Lovi sa Makati para lang kay Chris dahil sa QC ang trabaho niya. Ganundin din naman si Chris.

Pero, hirit ng aktres, kung sakaling darating ‘yung time na mag-live in sila, hindi naman niya isinasara ang posibilidad na ito.

Seryoso man si Lovi sa relasyon nila ni Chris, mukhang matatagalan pa bago siya pakasal sa kasintahan.
Tiniyak din ni Lovi na walang ‘love child’ na lalabas sa kanila ni Chris habang magkasintahan pa lang sila.