Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom kay Carla: Nabakuran ko na sa wakas

0 303

Ikinasal na nga sina Tom Rodriguez at Carla Abellana last Saturday, Oct. 23 sa San Juan Nepomuceno Parish in San Juan, Batangas. Sinundan ito ng bonggang reception at wedding party na ginanap sa El Jardin de Zaida.

Sa mga lumabas na wedding photos, puring-puri naman talaga ng lahat ang ganda ng bride mula sa kanyang eleganteng wedding dress from Monique Lhuillier na talaga namang pinuntahan pa niya sa New York.

Pero hindi naman siyempre nagpatalo si Tom dahil ang guwapo rin naman nito sa kanyang Francis Libiran suit.

Aliw nga ang post ni Tom kahapon dahil finally raw ay nabakuran na niya si Carla at siyempre, hindi raw siya nagpatalo sa ganda ng kanyang asawa.

“Wala lang…flex ko lang na ikinasal ako kagabi sa isang napakagandang binibini. Officially, nabakuran ko na sa wakas! 😝 Pero syempre papatalo ba ako sa ganda ni misis? Eh di resbakan natin!” caption ni Tom.

Nagpasalamat ang aktor sa team niya dahil naging worthy raw siya sa look ng kanyang bride.

“Thank you for making me look and feel every bit as worthy for my beautiful bride/wife!” aniya.

“WOOOOOOOOOOOT KASAL NA KAMI!!!!!! 👰” saad pa ni Tom na halatang proud na proud.

Paulo, KC walang isnaban

Kinilig ang mga fan sa rebelasyon ni Paulo Avelino na may communication pa pala sila hanggang ngayon ng ex-girlfriend na si KC Concepcion.

Sa pa-Q&A ni Paulo sa IG ay may nagtanong kung nag-uusap pa sila ni KC at diretsong “oo” ang sagot ng aktor.
Natuwa at kinilig ang kanilang fans at ni-recall pa nila nagpunta pa raw noon ng New York si Paulo para bisitahin si KC.

Natandaan din nila na binigyan pa ng fresh Christmas tree ni Pau si KC.

Dahil sa sagot nga na ‘yan ni Paulo ay may mga umasa na baka magkabalikan ang dalawa at komento ng isang netizen, break na nga raw ang aktor at ang girlfriend nito.

Matatandaang taong 2015 nang inamin ni Paulo na nagkaroon sila ng relasyon ni KC pero hindi na niya sinabi kung kelan at paano sila naghiwalay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.