Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom may ‘bubog’

0 120

NI: ROLDAN CASTRO

Kakaibang Tom Rodriguez ang dapat abangan ng viewers sa upcoming GMA primetime series na ‘The World Between Us.’

Malayo raw sa naging roles niya noon ang karakter ni Tom na si Brian Libradilla sa highly-anticipated series.

Gaganap siya bilang nakatatandang kapatid ni Lia (Jasmine Curtis-Smith) na pipigil sa pagmamahalan nila ni Louie (Alden Richards).

Aniya, “Iba [si Brian], he’s wounded, may bubog but at the same time, there are layers to him as well. Hindi lang siya kontrabida just to be a kontrabida. The writers, the creatives, they really put dimensionality to each of the characters, hindi lang kay Brian kaya ang saya, ang saya niyang i-portray.”

Bukod kina Alden, Jasmine, at Tom, kabilang din sa series sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day, Yana Asistio, Donn Boco, at Jericho Arceo.

Magsisimula ang The World Between Us ngayong July 5 na sa GMA Telebabad at GMA Pinoy TV.

Leave A Reply

Your email address will not be published.