Abante Tonite Interactive

Tom nag-spray ng pampatigas ng ‘manoy’

By
0 3,346

DAHIL sa mga sexy interviews nina Xian Lim at Tom Rodriguez kaugnay ng kanilang respective upco­ming movies, hindi maiwasang pagkumparahin sila.

Pareho silang galing sa ABS-CBN at regular ding rumarampa sa Bench Fashion Show.

Mas daring nga lang ni Tom dahil lagi siyang pinag-uusapan sa mga rampahan. Marami ang curious tungkol sa totoong size ni Mang Tomas.

Kamakailan, inamin niyang meron siyang natutunan from other male models na ini-spray sa kanyang ‘junjun’ para ma-maintain ang tikas nito.

“Natutunan ko lang din sa iba. Wala namang side effect dahil ilang beses ko na ring ginamit sa mga shows. And I think effective siya,” pagkumpirma ng bidang aktor sa The Significant Other, kasama sina Lovi Poe at Erich Gonzales.

Tinanong din si Tom kung ilang oras niyang pinatatagal ang pagka-tikas ni ‘junjun.’ “Buong maghapon,” pakli niya sabay pag-amin na hindi niya ito ginamit sa dalawang leading ladies niya sa movie.

“Obvious namang hindi ko kailangan sa ganda nilang ‘yun,” sambit pa niya.

***

ON the other hand, first time namang magpapa­seksi sa movie si Xian.

Kalat na kalat na rin ang balitang grabe siyang nadala sa mga mga sexy scenes niya with Coleen Garcia at Natalie Hart.

Ayon pa sa aming Ka-Chismacker, ibang Xian ang mapapanood dito. Walang hang-ups at pretensyon sa pagpapakita ng katawan at pagsabak sa mga hot scenes.

Kung sa mga fashion shows nga raw ay “tame” ang pagpapakita ni Xian ng katawan at pagpapa-sight ng ‘junjun’, sa Sin City umano ay tinanggal lahat ‘yun ng hunk actor.

Hmmm….

Yam binuhay ang pagkalalaki ni Paolo

NAKAKATUWA naman ang isinagot ni Paolo Bal­lesteros sa aming tanong kung paano niyang kineri o napanindigan ang mga eksenang kailangan niyang magpakalalaki with Yam Concepcion.

“Wala. Inisip ko lang ‘yung dating ako. Bago ako naging ganito,” sagot ni Paolo sa halos pagkakatulad ng kanyang naramdaman nung nagtatago pa siya ng kanyang pagkatao.

Naikum­para ni Paolo ang nasabing feelings dahil sa role niya sa Amnesia Love, nagkunwari siyang “lalaking-lalaki” sa leading lady niyang si Yam dahil nga may amnesia siya.

Pero sadyang malakas daw ang kaway ng pagka-Eba niya everytime na meron siyang attractive guy na makikita, thus he begins to question himself.

Parang ganun daw ang pinagdaanan niyang struggle sa totoong buhay hanggang sa tanggapin nga niyang “iba” siya.

“Sarili ko,” sundot pa nitong sagot sa aming tanong kung sino ang ginawa niyang peg para sa role.

‘Yung mga eksenang kinukuwestyun daw ni Yam ang kanyang sekswalidad gaya ng iba pang kasama niya sa movie ay totoo raw na nangyari sa kanya sa totoong buhay.

Mapapanood na ang “Amnesia Love” ngayong February 28.