Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom nasa lalagyan ng basurahan ang kagamitan; Sam tumulong maghakot

0 579

NI: CRISTY S. FERMIN

Napakaraming nagpapayo at umuurot kay Tom Rodriguez na pangalanan na ang kanyang kaibigang nangloko sa kanya at tumangay ng kanyang milyones.

Ang mahigit na dalawampung milyong piso nga naman ay hindi barya-barya lang, ilampung taon na pinagtrabahuhan ‘yon ng aktor, pero sa isang iglap lang pala ay lilipad sa kawalan dahil sa mangloloko niyang kaibigan?

Matagal na raw na kaibigan ni Tom ang nangloko sa kanya, puwedeng ganu’n nga, dahil hindi niya naman maipagkakatiwala ang kanyang milyones sa taong hindi niya naman kilalang-kilala at pinagkakatiwalaan.

SM food to go Banner Ad

May mga nagtatanong kung artista rin daw ba ang taong nagtakbo nang milyones ni Tom, may mga nagtatanong din kung naging hudyat ba ang pagkawala ng kanyang pera sa panglalamig sa kanya ni Carla Abellana, maraming dapat sagutin ang aktor.

Walang-wala raw si Tom ngayon, mabuti na lang at suportado siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa Amerika, kaya medyo gumagaan ang kanyang pinagdadaanan.
Pero napakasakit naman ng rebelasyong lumabas na nu’ng minsang umuwi si Tom ay nasa black bag (lalagyan ng basurahan) na ang kanyang mga kagamitan at nasa labas na ng kanilang bahay ni Carla.
Mahirap kalimutan ‘yon, habambuhay na dadalhin ni Tom sa kanyang puso at isip ang ganu’ng klase ng pangmamaliit at kawalan ng respeto, mabuti na lang at dinaluhan siya at tinulungang maghakot ni Sam Milby.

Matagal nang magkaibigan sina Tom at Sam, palibhasa’y pareho silang lumaki sa Amerika, naging madali para sa kanila ang pagtutulungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.