Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tom simot ang ipon

0 188

NI: ROLDAN CASTRO

Kabilang si Tom Rodriguez sa mga nahinto sa paghahanap-buhay dahil sa pandemic.

Nobyembre 2019 pa raw siya huling nagkapag-taping.

Kuwento ni Tom , wala raw talaga siyang kita nitong mga nakaraang buwan.

“One hundred percent, I would say, because I have to go by my savings. My savings got depleted right away.”

Ganunpaman, hindi ito naging hadlang para ipagpatuloy nila ng nobya niyang si Carla Abellana ang pagtulong sa iba. “Carla and I tried to do it out of our own pockets, trying to help out as much as we can. Carla was the one who suggested why not do something that you love?”

Bunsod ng mungkahi ni Carla, nitong Abril, nakibahagi si Tom sa proyektong “Guhit Pantawid: Portrait for a Cause” na layong makatulong sa mga informal workers gaya ng mga driver, street vendor, at construction worker. Kapalit ng donasyong P500, isang digital portrait ang iguguhit mismo ni Tom o ng iba pang visual artists.

Nag-aral ng digital animation si Tom sa US bago nag-artista dito sa Pilipinas. Maituturing na “labor of love” ang bawat obra dahil ayon kay Tom, inabot siya ng dalawa hanggang tatlong araw kada digital portrait. Mahigit 80 digital portraits ang kanyang natapos sa loob ng halos dalawang buwan.

Ngayong Lunes (September 7), makakasama ni Winnie Monsod sa Newsmakers ang Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Leave A Reply

Your email address will not be published.