Abante Tonite Interactive

Toma sa bahay `di sakop ng liquor ban – Cebu gov

772

Nilinaw ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na hindi kasama ang liquor ban sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa kanilang lalawigan.

Ayon sa gobernador, unawain na lamang na mayroong ilang indibidwak na nais tumagay habang nasa loob lamang ng kanilan mga tahanan.

“Let’s understand that some people need to take a shot of two, three, four or five. The public would not be prohibited from drinking in their homes,” ani Garcia.

Subalit mahigpit aniyang ipinagbabawal kung mag-iinom ng alak sa mga pampublikong lugar,

Nagbabala rin ito na aarestuhin ang mga nagbabalak makipag-inuman sa bahay ng kanilang mga kaibigan.

Kasabay nito muling nanawagan si Garcia sa publiko na huwag nang lumabas sa kanilang mga tahanan habang nasa ilalim ng enhancement community quarantine ang lalawigan,

Noong Miyerkoles inisyu ni Garcia ang Executive Order No. 5-N kung saan isinailalim nito sa enhanced community quarantine ang lalawigan ng Cebu bilang hakbang kontra paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad