Abante Tonite Interactive

Tommy, Jo Malone shop sa Okada kinandado

551

Dalawang high end apparel store at isang international perfume shop ang ipinasara ng Parañaque City government sa loob ng luxury resort hotel Okada Manila sa Entertainment City.

Iniutos ang pagsasara dahil sa pagpapabaya sa pagbabayad ng business fees at permits ng nakalipas na taon para sa Tommy Hilfiger, American premium clothing company; at Joe Fresh, isang fashion brand and retail chain.

Isinara din ang Jo Malone London, isang British perfume and scented candle brand, na makikita sa ground floor ng Okada Manila.

Ayon kay Atty. Melanie Soriano-Malaya, hepe ng city business permits and licensing office (BPLO), ang tatlong retailer stores ay pumalya sa pagbabayad ng kanilang obligasyon sa taunang business permit sa kabila ng maagang pagpapadala ng demand letters.

Matatandaang, ipinasara ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez sa BPLO ang 33 Chinese-run restaurants na nag-ooperate na walang kaukulang business permits at paglabag sa city ordinance, noong dalawang linggo na ang nakalilipas.

Karamihan sa mga establisimentong ipinasara ay makikita sa kahabaan ng Quirino Avenue, boundary ng Brgy. Baclaran at Tambo na kung saan makikita ang mga restaurants na nagsisilbi sa mga Chinese workers ng Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Nilinaw ni Soriano-Malaya na ang tatlong tenants ng Okada Manila ay hindi lumabag sa city ordinance bagkus ay pumalya lamang na mag-renew ng kanilang business permit costs, mayor’s permit fee at iba pang tax arrears sa nakalipas na dalawang taon.

Nagpapakita lamang na ang Olivarez administration ay seryoso sa pagsilip sa mga negosyong hindi sumusunod sa tama at nakakalimot sa obligasyon bilang isang taxpayers, lokal man o foreign investor-businessman na nasa siyudad.

“Walang palakasan o favoritism dito,” ayon pa kay Soriano-Malaya, “As long as they neglect paying their annual business dues, ipapasara namin ang negosyo nila sa lungsod kahit sila ay negosyanteng nagmula pa sa China, America, Canada o Iceland.”

Sa kabila nito, nagbabala si Mayor Olivarez sa pitong Chinese-run restaurants sa Multinational Village sa Brgy. Moonwalk na boluntaryong isara na ang kanilang establisimento matapos makita na lumabag sila sa ilang city ordinances.

Una nang ipinasara ng BPLO inspectors ang Shangyin Restaurant; YY Shabu Shabu and Grill; Sticklove Restaurant; Parkson Mart,; LSSA Entrance Food Mart; and All Things Supermart, sa Multinational Village matapos malaman na ang mga nagtatrabahong Chinese nationals na restaurant cooks, waitresses at staff ay walang valid work permits at gumagamit ng Filipino dummies para magnegosyo. (Vick Aquino)