Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tone-toneladang gamit na mga surgical glove nabisto

0 143

Bumulaga sa mga awtoridad ang dalawang toneladang gamit at dugyot na mga surgical glove sa Tanza, Cavite.

Ayon sa Facebook post ng Balitang Tanzeño, sa apartment sa subdivision sa Barangay Tres Cruses noong Martes, Mayo 18, nasamsam ang mga gamit nang surgical glove.

Makikita pa sa ibang surgical glove ang bakas ng dugo.

Dalawang lalaki na umano’y nasa likod ng pagre-recycle ng mga ito ang naaresto.

Sa ulat, sinabi ng isa sa mga suspek na si Ernest Latuan, na ang pagkakaalam niya ay ibebenta sa scrapan ang mga surgical glove at pagkatapos ay ire-recycle at tutunawin.

Hindi niya umano alam kung saan galling ang mga gamit nang surgical glove at pinakiusapan lamang siya ng kakilala na itambak ito sa apartment. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.